128 - Kay Jesus Kayo'y Sumamba

Kay Jesus kayo'y sumamba
Buong sanlangitan,
Ilabas ang diyadema,
At Siya'y putungan!
Ilabas ang diyadema,
At Siya'y putungan!

Kayong lahi ni Israel
Mahina't iilan,
Kayo ay magsisamba rin,
At Siya'y putungan!
Kayo ay magsisamba rin,
At Siya'y putungan rin!

Lahat ng tao sa lupa,
Dapat ding gumalang,
Sa Kanya'y mangayupapa,
At Siya'y putungan!
Sa Kanya'y mangayupapa,
At Siya'y putungan!

0:00 0:00